Home » Archives » March 2008
Thanks to Him
March 17, 2008After watching the late news, I found out that the bus that I was supposed to ride was robbed.
Kaninang hapon, sa ganap na ika-1 ng hapon ako ay pauwi na sa Pampanga. Ako’y sumakay ng tricycle papuntang Edsa at nagantay ng bus patungong Guagua… Nagbabakasakali lang ako kung makakasakay ako ng Genesis or Bataan Transit. Sabi ko 30mins lang at didiretso na ako sa terminal ng Five Star… Nagkataong mayroong dumaang dalawang Genesis na bus, ngunit ang naunang bus ay dirediretso lamang at parang ang daming taong nakatayo…Hmm siguro dami umuuwi ng province since bakasyon na. Hinayaan ko na lang ito, dahil standing na rin… Ung sumunod na bus e isang Genesis rin ngunit ito’y byaheng La Union…. Ahh wala ng choice, sabi ko sa sarili ko. Nag-abang ako ng ordinary bus at sumakay patungong Five Star Bus Terminal.
Pagdating sa terminal, maayos naman akong nakasakay… Hmm akala ko maraming pasehero e bakit dito hindi gaano… kakapagtaka…umalis ang bus sa terminal… may nadaanan kaming mga tao (ang dami) sa me lumang terminal ng sta. rosa transit… aha siguro me naholdap na bus… buti na lang maaga ako bumaba at hindi umabot dito…(byaheng fairview kasi ung bus ko) buti na lang nakapili ako ng bus na cubao express…(hindi ko alam talaga kung anong bus ang naholdap) pero sa reaksyon ng mga pasahero… parang nalugi sila….me pulis din
Hmm nakabalik ako ng manila… nanunuod kasi ako ng late nite news sa gma. news flash… naholdup raw ang bus ng pampanga… Genesis…. Whew… shet ito ung bus kanina na maraming standing….ung mga taong nakita ko sa edsa na worried na me kausap na pulis eh mga pasehero pala ng bus na ito…. Thank you Lord for keeping me safe! thank you thank you thank you…. Buti na lang din at hindi ko dinala ang laptop ko pauwi… Hindi na ako magdadala ng kahit ano pauwi ng pampanga…Sana makonsiyensya naman ang mga magnanakaw na yun!
Pero thank you talaga Lord… Hmmm kung alam ko lang na nahoholdup na pala ung bus eh me katabi pa naman akong pulis kanina sa bus stop nung pumapara ako… Hmmm reminders lang…. nung time na nahoholdup ung bus… matulin ang takbo… sbi ko nga eh ang bilis naman nito…. medyo halos lahat ng kurtina nito nakababa… may isang walang kurtina kanya natingnan ko na maraming nakatayo…. ung mga nakatayo pala ang mga masasamang loob. Kanya pala… kasi nung sumakay ako sa FiveStar walang gaanong pasahero… pero ung Genesis ang dami… eh normally mas maraming tao sa FiveStar pag uwian ng holidays…. Hay naku basta Thank you Lord pa rin ako….
Ingats kayo.




